Nais ko.

PRECIOUS JEM

Hindi ikaw
Ang bida
Sa akda ko ngayon

Siguro
Unti-unti
Dahan-dahan
Ka nang naglalaho
Sa aking mga agam-agam

Siguro
Unti-unti
Dahan-dahan
Na akong kumakawala
Mula sa sumpa ng paglisan mo

Mayroong isang “siya”
Na tila parang
Patak ng ulan
Sa puso kong
Isa nang sisidlan ngayon

Unti-unti
Dahan-dahan
Siyang pumapatak
Sa mga butas na iniwan mo
Sa puso kong pagal

Para siyang patak ng ulan
Habang ako’y nakahimlay
Sa kama kong naging testigo
Sa luha, pait, at mga sigaw
Sa pangalan mo

Para siyang patak ng ulan
Pinalalamig ang panahon
Pinakakalma ang mga pader
Sa mga kwarto ng puso ko
Pinagpapahinga ako

At gaya ng patak ng ulan
Nagbabadya ng nalalapit
Na pagbuhos nang inam;
Na tila ba ay nangangako
Ngunit banayad lamang na ipinaaalam

Siguro nga
Nangyari ang “ikaw”
Upang makilala ko ang “siya”
Kung hindi man maging “kami”
Hindi ko ipagdadamdam

Sapagkat ngayon
Nagiging masaya na ako muli

View original post 10 more words

Advertisements