Noong bata ako, isa sa mga most embarassing moments ko ay ang makabasag kapag naghuhugas ng pinggan. Minsan pa nga, nakabasag ako ng pinggan at pilit ko pang itinago ang mga broken pieces nito mula sa aking ina. 

Well, bakit nga ba nakakahiya ang makabasag? Dahil ba nagkamali ka? Pero mas nakakahiya ba kung hindi lang ang mga plato at baso ang nabasag mo kundi pati ang sarili mong puso? #Hugot

Nursing a broken heart. Picking up the pieces of a broken heart. Oo, naranasan ko na yan. May panahon ngang akala ko sobrang basag na ang puso pero mas may ikakabasag pa pala ito. Unrequited love? Pag-ibig na hindi nasusuklian? Masakit yun, uy. 

Kaya naman tagos talaga sa puso’t kalamnan ko ang mensahe ng isang bagong libro ng OMF Literature. Ito ay ang BASAG, mula sa panulat at kasaysayan ni Prexy Calvario. Title pa lang, sobrang tinamaan na ako. Para sa isang nabasag na taong tulad ko, ang makabasa ng isang akda na tila boses ng mga raw human emotions of pain ay parehong blessing at comfort. May nakakaintindi pala sa mga basag na tulad ko! 

#BASAGBook

Nabasa ko na ang librong ito isang buwan na ang nakakalipas mula nang bumili ako. Pero nang mabalitaan ko ang book launch nitong May 27, 2017, hindi na ako nag-atubiling pumunta. At hindi nga ako nabigo, di tulad nang nabigo ako sa pag-ibig noon. Full of wisdom and learning nuggets ang programa at hayaan nyo akong ibahagi ang mga ibinahaging punto ni Prexy mula sa isang tanong sa Q&A portion at ang aking mga personal na reflection on them. 

Tanong: Any moving on tips?

Una, make a decision to move on. Ayon sa author, unang kailangan mong gawin kung basag ka ay ang magdesisyon na magmove on. Magmove on mula sa kung anuman o sinumang nakasakit sa iyo. Magmove on mula sa sakit na nararamdaman mo. Kailangan mong gustuhing magmove on, sa una pa lang. No more what if’s

Ikalawa, find the right reason for moving on. Pwede kasing nagmomove on ka for all the wrong reasons like para makahanap ng bagong karelasyon o makaganti sa ex mong sinaktan ka. Hanapin mo ang tamang dahilan bakit kailangan mong magmove on. Isa na diyan ay dahil mahal ka ng Diyos at hindi Nya gustong nagkakaganyan ka. Pwede ring dahil napakaganda ng buhay para magmukmok ka lang at umiyak. Ano pa man ang iyong reasons for moving on, make sure na tama at intentional ito, veered towards being a better you

Ikatlo, appeal to God. Cry out to the God who heals and binds up the brokenhearted. Sabi nila time heals pero ako mismo napatunayan ko na hindi sapat ang oras lang para hilumin ang bawat sugat na naiwan. Dahil ang makakapagpagaling sa iyo ay ang pagmamahal ng isang Dakilang Diyos na alam ang bawat madilim at mapait na pinagdaanan ng puso mo. Iiyak mo lahat sa kanya. Kung kinakailangan mong ngumawa sa kanya gaya ng ginawa ko noon, gawin mo. Hayaan mong yakapin ka ng pagmamahal Nya. 
At pinakahuli, be new in Christ by fully accepting Jesus. Anyone who is in Christ is a new creation. Kaya naman kayang kaya nating bumangon mula sa mga humps and bumps ng buhay! Be victorious over your broken heart by being victorious in the grace that Jesus extends. 

Kaya naman kung tatanungin mo ako kung hindi ba ako natatakot na magmahal muli, sasabihin kong hindi dahil alam kong mas malakas na ako ngayon. Masasabi ko ring mas natuto na ako. Hindi ko malalaman ang pakiramdam ng mabuo kung hindi muna ako nabasag. 

Cheers para sa lahat ng nagmahal, nasaktan, nabasag at piniling magmahal muli! 

Ikaw, anong kwentong basag mo? 

>>Kathy 💜

Advertisements