Kung hindi mo pa napanuod ang movie na ito, o hindi ka pa rin naeengganyo ng mga Facebook posts and reviews about sa movie na ito, hayaan mong bigyan kita ng 10 dahilan para tangkilikin ito. 

Ito ang 10 mga bagay na pinarealize sa akin ng pelikulang “Kita Kita“:

Sampu. Sampung beses ka mang masaktan, umiyak at halos sumuko na dahil sa mga bigong pag-ibig, sampung beses ka rin dapat na sumubok na mabuo muli, ngumiti at magmahal. Hindi nagtatapos ang mundo sa iisang taong hindi pahahalagahan hanggang dulo ang puso mo. 

Siyam. Siyam na ulit mong puntahan at gawin ang mga bagay at lugar that makes you feel more alive. Dahil hindi mo malalaman kung kailan ka dadalhin ng tadhana sa taong hinihintay mo, patuloy mong gawin ang mga bagay na nagbibigay ngiti sa iyo. Patuloy mong puntahan ang mga lugar na nagpapaningning ng mga mata mo. 

Walo. Walong beses kang tumawa na parang wala nang bukas. Walong beses kang humalakhak na parang never kang nasaktan o umiyak. Napakaganda ng buhay para hindi ka ngumiti. 

Pito. Pitong beses mang ulit-ulitin sayo ang isang joke, matatawa at kikiligin ka pa rin kung mahal mo ang nagjojoke sa iyo. 😊

Anim. Anim na ulit mong balikan ang mga masasaya niyong alaala. Hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama palagi pero tanging ang alaala lang ang bagay sa mundo na bibigyan ka ng kapangyarihan to travel back in time. 

Lima. Limang beses mong ulit-ulitin sa mga taong mahalaga sa iyo na mahal mo sila. Limang beses mong ipadama sa kanila na mahalaga sila sa iyo.

Apat. Apat na taon ka mang nasaktan, nagpakatanga o naging chaka dahil sa pagkabasag mo, hindi iyon license para huwag mong tanggapin ang pagmamahal na binibigay sa iyo ng iba. 

Tatlo. Tatlong mga salita lang ang kadalasang nakakaligtas ng mga nasisirang relasyon. Kadalasan, sa hinaba-haba ng arguments, tatlong salita lang ang nakakapagpalamig ng lahat. Miss na kita. Patawarin mo ako. Salamat sa lahat. I love you. 

Dalawa. Dalawang pusong totoong nagmamahalan. Dalawang taong handang tanggapin ang good at not-so-good side ng bawat isa. Iyan lamang ang ilan sa mga mahahalagang sangkap to make your lovelife go round. 

Isa. Isang desisyon. Gaano ka man katagal na umiyak, isang desisyon lang ang dapat mong gawin: Piliin mong maging masaya. Piliin mong magmahal. 

Ihanda mo ang iyong sarili na tumawa at umiyak sa pelikulang ito. Napatunayan kong hindi lang saging ang may puso. Minsan, ang puso rin ang may saging. At kailangan kong kumain ng maraming repolyo. 🍌❀

Pumasok ako sa sinehan na maraming tanong sa isip ngunit lumabas akong may dalang sagot, kasabay ng pagpunas ng mga luha sa nakangiti kong pisngi. 

Panoorin mo na! 😜

Advertisements